51³Ô¹ÏÍø

ANI 2021: Serye ng mga Lektyur sa Filipino at Panitikan

When: 08:00 AM-05:00 PM -- Wednesday, March 10, 2021 TO Wednesday, March 24, 2021
Where:

Via Facebook Live

Description:

Bahagi na ng adbokasiya ng departamento ang pagsasagawa ng serye ng mga lektyur tuwing semestre na nilalahukan ng lahat ng mga mag-aaral. Sa taong ito ay muling ipagpapatuloy ng departamento ang pagbabahagi ng kaalaman sa wika at panitikan. Isang proyekto ang isasagawa ng departemnto na tatawaging ANI 2021: Serye ng mga Lektyur sa Filipino sa darating na Marso 10, 17, 24, 2021. Layunin ng gawaing ito na maglaan ng venyu upang mapag-usapan at matalakay ang iba’t ibang usapin hinggil sa wika at panitikan at midya sa Mindanao at ang ugnayan nito sa kultura at lipunang Pilipino. Ilan sa mga paksang maaaring talakayin ay ang diskurso sa larangan ng wika, panitikan at kultura ng Mindanao at iba pa.

Cost:

Free

Contact:

Email the organizers at anidfiw@gmail.com.

 

More info:

Visit  for more details.

 

Tag: Lecture series
ANI 2021: Serye ng mga Lektyur sa Filipino at Panitikan
Back Top